BALITA


Rekwerdo Marcelo
Sa Gunita ng MHPHS Class 68

 

 

Pamagat ito ng inihahandang aklat pang-alaala bilang pagdiriwang ng ika-40 taon ng ating pagtatapos. Layunin nito na manatiling sariwa ang ating apat na taong pamamalagi sa kampus ng paaralan kasama na ang mga importanteng pagdiriwang na ginawa natin noong 1993 (ika-25) sa bagong kampus ng Marcelo sa Sta. Isabel; 1998 (ika-30) sa tahanan ng mga Valerio sa Lugam, Malolos; 2003 (ika-35) sa Paradise Hotel and Resort sa Malolos, at 2008 (ika-40) na gagawin sa Barcie International sa Mojon, Malolos.

Mababasa sa makasaysayang aklat na ito ang:

  • Mahalagang mga artikulo at sanaysay na lumabas sa commencement issue ng The Republic na muli nating ilalathala upang sariwain ang mahahalagang bagay sa ating alaala.

  • Salaysay, sa pamamagitan ng isang timeline, ng naging kasaysayan ng klase mula noon hanggang ngayon.

  • Balita, sa estilong rolkol, kung nasaan na ngayon ang mga kasapi ng klase.

  • Diwa ng Class 68, isang pagninilay kung bakit natin pinagsisikapang manatiling buo at buhay ang ating klase at nananalanging magpatuloy pa ito sa matagal na panahon.

  • Mga gunita mula sa iba’t ibang kaklase at guro tungkol sa masasayang araw natin sa dating kampus ng Marcelo sa bakuran ng Kapitolyo ng Bulacan, kasama ang mga lumang larawan ng ating kabataan.

Magiging isang makabuluhan at mayamang alaala na karapat-dapat pag-ingatan ang aklat na ito kung bawat isa sa atin ay mag-aambag ng kanilang mga gunita at larawan sa Rekwero Marcelo.

Para sa mga ambag na salaysay (anekdota, kuwento, atbp.), retrato, at mga mumunting souvenir ng ating panahon sa Marcelo, sumulat lamang kay Perfecto Martin (perfecto.martin@gmail.com) upang maisama ang mga iyon.