BALITA



 

KAYUGTO NG BUHAY

Composed and written by Jun Capule
Play in the chord of C
With harmonica

Buwan ng Marso 1985
Nilisan ko ang Inang Bayan at nangibang-bansa
Baon’y sampung pangarap habilin ng Ama’t Ina
Anak ingat, sana'y magtagumpay ka


Nakarating sa Toronto as Fiance Visa
Tinupad ang pangako ng mahal kong esposa
Naghanap ng trabaho kahit ano’y tinanggap na
Working experience ang ninanasa.

 

Chorus
Sa Canada Toronto Canada
Kayugto ng buhay ko napadpad dito
Oh Canada Toronto Canada
Kapalaran hinanap ko dito

 

Nagdaan ang araw buwan at taon
Pinalad ako magtrabaho sa banko
Dalawampung taong serbisyo
Malapit ng mag- retiro natutuwa akong malaman nyo

 

Mahigit na dalawang dekada ang nagdaan
Di ko man lamang nasilip mahal kong bayan
Ako’y natutuwa kayong lahat nakita ko
Nagpupugay kumakanta sa inyo


Dominador "Jun" Capule Jr. - Section IV-4

 

 

Class 68 ng Marcelo H del Pilar
Nagbabalik loob tutulong sa inyo
Class 68 ng Marcelo H del Pilar
We left behind our legacy that will never die
Class 68 ng Marcelo H. del Pilar
We left behind our legacy that will never die