BALITA


 

Dear Classmates,

Masaya ang MHPHS Christmas Party na ginanap nuong Sabado, 12 December 2009 sa Malolos Resort Club Royale. Ang nakalagay sa imbitasyon ay 6pm pero naumpisahan ang programa ng 7pm at natapos ang party bago maghating-gabi.


Tulad ng nasabi ko nuong una, ang ating party ay payak, hindi ito kasing bongga nuong 2008, ang banner year ng panguluhan ng aking best friend Glecy Bagasin; walang paksang kulay -- pulang-pula ang aking suot, naka itim si Vangie Bagalay, naka dilaw na Tshirt ang ating mga kandidatong sina Danny Domingo (para congressman sa lone district ng Malolos) at si Boy Aniag (para sa vice-governor ng Bulacan), may naka puti, maong, etc...... at ika nga ni Medy Bernardo sa Panalangin, Class68 is blessed.

Medyo kabado si Irene Bamba at si Tess Manalo Ramos sa mga preparasyon, dahil may mga nagsabi sa kanila na konti lamang ang sisipot sa party, mapalad na raw ang 50 tao. Pero 70 miyembro ang dumating at ang ilan ay nagsama ng kabiyak o anak. Ang mga putaheng kinain ay gulay, pritong manok, relyenong bangus, baka, pansit at ang ipinadala ni Mayor Danny na litsong baboy. Nagdala ng alak si Sonny Reyes. Ilang cases ng light beer ang in-order ni Mayor Danny. Nagkaroon din ng raffle -- mga Avon products at ilang nakabalot buhat kay Glecy, Unilever products galing kay Rey Fajardo at isang set ng pots and pans galing sa akin na napanalunan ni Meynard Lizaso. Konting items lang ito, pero inaasahan ko na madami at malalaking prizes ang ipamimigay sa Grand Reunion sa 2013. Salamat, Glecy and Rey.

Ang husay nga palang kumanta ni Jun Capule, na dumating kasama si Flor, ang kanyang maybahay. Pinalakpakan namin ang kanyang sariling komposisyon para sa Class68 at kung hindi lamang nagkaroon ng aberya sa gitara, tiyak na mas marami siyang kinanta. Aba! E, parang si Neil Young mismo ang kumanta ng Heart of Gold sa Class68! Sabay ang silindro at gitara, para siyang nagpe-perform sa isang concert. Bow ako sa kanya. Naaga ang kanyang pag-uwi dahil sa jetlag, dumating siya isang araw bago mag party. Salamat, Jun.

Inilahad ni Irene ang estado ng ating pananalapi, nasa bangko ang P25,000.00+, may koleksyon sa Rekwerdo at may nalikom sa party na kulang sa P15,000.00 na ibinayad sa Club Royale. Ang detalye ay nakikita natin sa financial statement na gagawin ni Irene.

Nabanggit ko na nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang mga miyembro ng Class68 USA. Binigyan nila ako ng birthday party sa LA nuong Marso dahil nasa ibang state ako pagdating ng Abril. Masaya ang pagkikita sa LA at ang mga tanong tungkol sa proyekto ng Class68 gayun din ang pananalapi ay napag-usapan at ang ano mang agam-agam ay naliwanagan.

Dalawang proyekto ang nagawa ng Class68 sa 2009: (1) ang book donations noung July 16: Mga librong nalikom ni Perfecto Martin galing sa University of the Philippines Sentro ng Wikang Pilipino, published books in science and mathematics written in Pilipino, at mga librong galing sa Rotary Club of Makati, San Antonio (RCMSA) Books Across the Seas Program na nakuha sa pamamagitan ni Best Friend Glecy, Director ng RCMSA, at (2) Tulong sa mga nasalanta ng Typhoon Ondoy. I would like to commend Irene, Lynda Flores, Nona Venturina, Vangie Bagalay and Terry Magpayo who took part in the distribution of relief goods in Cainta, Rizal, spearheaded by Mayor Danny who also brought his medical group. A caravan of relief goods, medical personnel and volunteers came from Malolos. Class68 was able to raise a small amount of money from members which was used to buy bread and cookies included in the plastic bags distributed. Our group was easily identified because of the white and green Class68 Tshirts.

May binabalak si Mayor na gawan ng second floor ang HILOM, gagawin itong parang e-library. Palagay ko, isa itong proyekto na naaayon sa panahon.

Mayroon na nga pala tayong Lady Vice-President, si Lynda Flores. Sila ni Vice-President Milo Jacinto ang tutulong sa akin upang naging mas malawak ang komunikasyon sa grupo. Si Tess naman ang Group Coordinator.

There was a suggestion to peg our christmas reunion on the second Saturday of December every year, so the next christmas party will be on 11 December 2010. What can you say about this? Plano na kayo!

Regards to all,
Luming