|
Magtulóy po tayo sa opisyal na tahanan ng Class 1968 sa Marcelo
H. del Pilar High School ng Malolos, Bulacan. Nilikha itong pook web para sa
ating mga nagsipagtapos sa paaralang ito noong Abril 17, 1968. Bukas din ang
pintuan sa ating mga guro, kapwa-estudyante ng paaralan noon at ngayon anumang
taon nagtapos, at maging sa ating mga kamag-anak at kaibigan na nais pang
magkaroon ng dagdag na impormasyon tungkol sa ating masaya at mahigpit na
pagsasamahan. Para sa atin at sa kanila ang tahanang ito.
Bulacan High School (BHS) ang unang
pangalan ng ating paaralan. Noong 1955, sa bisa ng Batas Republika 618, tinawag
itong Marcelo H. del Pilar High School (MHPHS) bilang parangal sa
kabayanihan ng dakilang propagandista at pambansang bayani na isinilang sa
lalawigan ng Bulacan. At noong 1996, naging isang pambansang hayskul ito kaya
tinatawag ngayong
Marcelo H. del Pilar National High School (MHPNHS). Ngunit anuman ang maging
tawag, nananatiling MHPHS ito para sa ating 711 nagtapos noong 1968 -- isang
pangunahing pampublikong hayskul hindi lamang sa buong lalawigan kundi maging sa
buong kapuluan.
Bukod sa mga palamuting makikita natin sa ating tahanan,
mababasa rin, unang-una, ang mga pangunahing layunin at sagisag ng ating
minamahal na Class 68:
Magsikap. Magtiyaga. Magtagumpay!
Iyan ang naging sawikain o motto ng ating klase noong 1968.
Iyan din ang magiging layunin sa pagpapatuloy ng pagsasamahan na ating
gugunitain ngayong taong 2008 na Ruby Jubilee Year natin.
Luntian at Ginto. Mga opisyal
na kulay na siya rin nating pinili noong 1968 at ipagpapatuloy sa panahong
hinaharap.
Rosas. Opisyal na bulaklak ng
ating klase. Bulaklak na kahit may angking ganda at bango--sagisag ng
kagandahang-loob at ugali--ay mayroon ding mga tinik na handang magtanggol
laban sa sinumang nais magsabog ng mga binhi ng ating pagkakawatak-watak.
Sa tahanang ito, magagawa natin na:
-
makapagbalitaan (magtungo lamang sa silid
BALITA)
at malaman ang pinakahuling mga proyekto, magaganap na pulong, inihahandang
pagtitipon o reunion, at iba pa.
At gaya ng maraming tahanan dito sa pandaigdig na web,
mananatili tayong nakaugnay sa isa’t isa, saanmang sulok ng mundo, sa
pamamagitan ng mga kaugnay na pook ng iba pang nagtapos, grupo man o
indibidwal, sa MHPHS at patuloy na pakikipagtalastasan sa amin (nasa silid
KONTAK). May nakalaan ding
PANAUHIN para sa mga nais
mag-iwan ng ilang mga salita matapos dumalaw sa tahanang ito.
|
IMNO NG
MATAAS NA PAARALANG
MARCELO H. DEL PILAR
Musika ni Julian Velasco
Batis ng aming karunungan
Sa buhay tanging pamatnubay.
Layo mang lakbayin
Sa ligaya’t sakit
Katapatan namin sa puso at bait.
Sa aming diwa’y nakatanim
Ang alaalang walang maliw.
Pagsinta’y laging mag-aalab
Sa puso at bait, sagisag
Ang mahal naming Marcelo H. del Pilar.
|
|



|
NUMERO |
|
Mahalagang mga bilang
sa
MHPHS Class 68 |
|
58 |
Batch ng pagtatapos sa MHPHS ng
klase natin |
|
6 |
Oras ng simula ng programa sa
pagtatapos |
|
17 |
Araw ng Abril nang magtapos tayo |
|
1968 |
Taon ng ating pagtatapos |
|
711 |
Kabuuang bilang ng mga
nagsipagtapos (sa The Republic, 698 ang nakaulat; kapag binilang,
694 lamang; 17 iba pa ang lumabas sa Programa/Imbitasyon; mas
mapagkakatiwalaan ang Programa/Imbitasyon dahil mas huling
imprenta ito |
|
628 |
Mga kumuha ng College Preparatory
(sa 711) |
|
83 |
Mga kumuha ng Vocational (sa 711) |
|
16 |
Kabuuang seksiyon ng mga
nagsipagtapos |
|
14 |
Seksiyon ng College Preparatory |
|
2 |
Seksiyon ng Vocational |
|
30 |
Pinakamaliit na seksiyon (IV-1) |
|
49 |
Pinakamalaking seksiyon (IV-11) |
|
368 |
Mga lalaki sa buong batch |
|
343 |
Mga babae sa buong batch |
|
42 |
Pinakamaraming lalake sa klase
(IV-1 Voc, walang babae maliban sa adviser) |
|
30 |
Pinakamaraming babae sa klase
(IV-6) |
|
12 |
Pinakakaunting lalake sa klase
(IV-1) |
|
15 |
Pinakakaunting babae sa klase
(IV-12 at IV-14) |
|
151 |
Mga guro at opisyal sa MHPHS noong
1968 |
|
3 |
Mga Peace Corps Volunteers noong
1968 |
|